June 20, 2015

Memories From My Freshman Year

I was looking for my algebra notes back in 2008, my freshman year, and saw this at the back of my workbook instead. No wonder I failed algebra, I was contemplating on much more abstract values than abstract numbers.



Written at the back of my workbook is below:

Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, ang palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pagaaral, magasawa ka, magdrugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kilikili. Sa bandang huli ikaw din ang biktima - rebeldeng walang napatunayan at walang bait sa sarili. (Bob Ong)

Naniniwala ako sa Diyos, hindi dahil sa kaya ko syang ipagtanggol at ipaliwanag. Naniniwala ako hindi dahil sa ako'y banal o hipokrito. Naniniwala ako dahil wala akong ibang magawa. Napakahirap maniwala na walang Diyos na gumawa ng mga napakagandang bagay sa mundo. Napakahirap isipin na walang dahilan ang paru-paro, bulaklak, pagibig, kaligayahan, katapangan, kagitingan, at siopao. Lahat ba ng ito ay walang halaga? Hindi ako nagsisimba o sumusunod sa bibliya ngunit nabubuhay ako ayon sa aking konsensya. Kung sakaling ito ay sira na, siguradong may pupulot sa akin at ito ay kukumpunihin. Maraming bagay ang di ko kayang ipaliwanag. Kung tatanungin mo ako tungkol sa Diyos ay maaring walang kwenta at walang laman ang sasabihin ko, dahil sa huli "basta naniniwala ako" lang ang sagot ko.

Suddenly all those stupidities I did in the past are flowing through my mind. And I'm thankful that I can now look back at those and happily say that it did work out in the end. I am in a much better place now (without saying that I was in such a bad place before.)

Andami nang nangyari, hindi na'ko leader ng mga batang hamog. Mas mabuti na akong tao, at kapwa. HAHAHAHA jk.

Arlet

P.S.
Joke lang, wala po akong kinalaman sa mga ilegal na gawain ng mga batang hamog sa EDSA man o sa ibang panig ng Maynila :D

2 comments:

  1. "Magpakulay ng buhok sa kilikili, sa huli ikaw din ang biktima." HAHAHA

    ReplyDelete

Ooops, watch out for the captcha!